Kelan
Josué feat Pablo (SB19)
paroles Josué Kelan

Josué - Kelan Lyrics

Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh

[Pablo]
Kailan ba ako magiging payapa? (Kailan?)
'Di na nga yata
Ako ang taya simula pagkabata
Habulan sa utak ko na mahilig gumala (Uh)
Kahapon ay hindi na lumipas, 'di ko rin alam kung meron pang bukas
Pilit nga na nangangapa sa laman ngang wala naman nang lunas
Naging matalik na kaibigan ng dilim, liwanag ang kaniyang lihim
Sinubukang alamin saloobin, tumingin sa salamin
Ngayon ano'ng aking gagawin? Ito ay kapit sa patalim
Paano mo haharapin ang takot mo kung pagtingin sa salamin nakangiti ikaw pa rin?
'Di mo na kailangan na magkunyaring iba
Alam naman natin na mas komportable ka
Sa walang sana, walang dismaya, makatotohanan lang, walang iba
Buksan mo ang iyong isipan, bakit 'di rin gawing kalawakan
Ang katotohanan 'yong nahahawakan, tuparin ang napanaginipan
That's right, play hanggang sa dulo, uh, mayday panay peligro
But someday maitotono ko rin ang buhay ko na 'di sintunado, sing

[Pablo]
Kailan ba tunay na sasaya?
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah, nah, yeah, yeah (Yah)
Dami nang pinagdaanan
Na 'di ko inaasahan na malalagpasan
Ah, nah, yeah, yeah (Ayy, ayy)
Ipipikit ko ang aking mata't
Mananalangin sa mahabaging Ama
Ah, nah, yeah, yeah, yeah, woah (Kailan?)
Kailan ba tunay na sasaya?
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah, nah, yeah, yeah, yeah, yeah

Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh

[Josue]
Ako'y nagising na sa malalim na pagtulog
Teka lang, ba't para 'to'y bangungot?
'Di ko magalaw aking tuhod
Bukod pa do'n ay 'di ako makahugot ng hininga
At parang nalulunod, ang pakiramdam ko ay nalulumo
Bawat sigaw ay para lang bumubulong
Tila ba walang makarinig sa aking mga ungol
Hindi ako marunong humingi ng tulong
Ako lang ang guro sa bawat pagsubok
Kahit na lumulubog, kahit na nalulugmok
Sugod nang sugod kahit hindi matumbok
Ang puno at dulo ng aking mga gusto
Lahat ng ito'y 'di magkakatuldok
Hiling ng tadhana ma'y ako'y mabugbog
Hahabulin ang pangarap kahit pa malumpo
Kinalaban ang nasa salamin, kinontra kaniyang mga gawain
'Lam naman natin na Siya'ng salarin sa lahat ng naging pangyayari sa'min
Sa kabila ng lahat ng aking inakala't pagsisisi
Siya lang rin pala ang sasagip at tanging kakampi
At pagkalabog ng beat, mga mata'y namulat sa pagkapikit
Unti-unting gumagalaw ang mga binti, 'di ko na pinansin ang aking paghikbi
Kailan ba makakatakas dito sa kulungan
Ginawa sa'king bumbunang takot ang naging puhunan
Nanlalamong kalungkutan, minsan nang napalibutan
Diyos ko po pakitulungan, gusto lang makalimutan ang nakaraan

[Josue]
Kailan ba tunay na sasaya?
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah, nah, yeah, yeah
Dami nang pinagdaanan
Na 'di ko inaasahan na malalagpasan
Ah, nah, yeah, yeah (Yeah, ayy)
Ipipikit ko ang aking mata't
Mananalangin sa mahabaging Ama
Ah, nah, yeah, yeah, yeah, woah (Kailan?)
Kailan ba tunay na sasaya?
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah, nah, yeah, yeah, yeah, yeah (Yeah)

[Pablo, Josue]
Kailan ba ako tunay na sasaya?
Tuluyan nang nawawala'ng aking pag-asa
Ipipikit ko ang aking mga mata
Mahabaging Ama, kailan ba?
Oh, kailan ba? Kailan ba? Kailan ba?
Kailan?

[Pablo, Josue]
Kailan ba tunay na sasaya? (Yah)
(Kailan ba sasaya?)
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah, nah, yeah, yeah
Dami nang pinagdaanan (Daming pinagdaanan)
Na 'di ko inaasahan na malalagpasan
Ah, nah, yeah, yeah (Ayy, ayy)
Ipipikit ko ang aking mata't
Mananalangin sa mahabaging Ama (Mahabaging Ama)
Ah, nah, yeah, yeah, yeah, woah (Kailan?)
Kailan ba tunay na sasaya? (Kailan ba sasaya?)
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah, nah, yeah, yeah, yeah, yeah


Paroles2Chansons dispose d’un accord de licence de paroles de chansons avec la Société des Editeurs et Auteurs de Musique (SEAM)