Kamukha mo si Paraluman
Nung tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-boogie man o cha-cha
Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo nang El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo
Pagka-galing sa eskwela ay dideretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay
Naninigas ang aking katawan
'Pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng beywang mo
At pungay ng 'yong mga mata
Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay
At dahan-dahang dumudulas ang kamay ko
Sa makinis mong braso, ooh
Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay
La-la-la-la, la-la, la-la, la-la-la
Lumipas ang maraming taon
'Di na tayo nagkita
Balita ko'y may anak ka na
Ngunit walang asawa
Tagahugas ka raw ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi, nasagasaan
Sa isang madilim na eskenita
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay
La-la-la-la, la-la, la-la, la-la-la
La-la-la-la, la-la, la-la, la-la-la
Paroles2Chansons dispose d’un accord de licence de paroles de chansons avec la Société des Editeurs et Auteurs de Musique (SEAM)