Nagsimula ang lahat
Sa isang kanta
"Bakit ngayon ka lang?"
Sabay nagtagpo ating mata
Ilang beses humindi
Buti ay 'di ako nakinig
Tadhana na ang bumulong sa 'kin
'Di ba't sinabi sa'yo
Ipaglalaban ko
Tahanan mo ako
'Di magbabago 'yun
At 'pag ika'y nawawala
Tingin ka lang sa 'king mata
Pagmamahal sa'yo
'Di mauubos 'yun
Lalabanan ko lahat para sa'yo
Basta't nandito lang ako
Sa tabi mo
Aaminin sa'yo
Ang daming beses na muntikang sumuko
Ngunit nakayanan ko
'Pagkat walang hanggan ang pag-ibig niya
Tahanan mo ako
'Di magbabago 'yun
At pag ika'y nawawala
Tingin ka lang sa 'king mata
Pagmamahal sa'yo
'Di mauubos 'yun
Sabay natin na dadaanan ang lahat
Hangga't sa dulo ng ating pagmamahal
Hangga't sa kunin tayo ng Maykapal
Paroles2Chansons dispose d’un accord de licence de paroles de chansons avec la Société des Editeurs et Auteurs de Musique (SEAM)