paroles Ben & Ben (Ben and Ben) Saranggola

Ben & Ben (Ben and Ben) - Saranggola Lyrics & Traduction

Saranggola'y lilipad sa kahel na kalangitan
Paalam na nga ba sa ating nakaraan?
Ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan
Ooh-ooh, ooh-ooh
Ooh-ooh, ooh-ooh

Kung aking uulitin, itong mahabang byahe
Sa kada yugto ng ating paglalakbay
Wala akong babaguhin, ni isang detalye
Sa dami ba naman ng sinuong magkasabay

Sa pagbadya ng kulimlim na tinadhana
'Di magmamaliw, ating mga gunita

Saranggola'y lilipad sa kahel na kalangitan
Paalam na nga ba sa ating nakaraan?
Ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan

Ooh-ooh, ooh-ooh

Lumang mga larawang
Nakaplasta sa mga dingding, may tamis at pait
Babalikan, tambayan na tindahan
Kwentuhang magdamagang
Nung bata pa't nangangarap lang

Sa pagkagat ng realidad ng buhay
Landas nati'y sadyang magkakahiwalay

Saranggola'y lilipad sa kahel na kalangitan
Paalam na nga ba sa ating nakaraan?
Ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan

Sarado na ang kabanata ngunit ba't
Ayaw ko pang harapin ang katotohanang
Hindi na nga tugma ang pagtutunguhan
Sa'n man hipan ng hanging amihan ('Di ipagpapalit ang pagkakaibigan)
Salamat sa'ting pinagsamahan ('Di ipagpapalit ang pagkakaibigan)
('Di ipagpapalit ang pagkakaibigan)

Saranggola'y lilipad sa kahel na kalangitan
Paalam na nga ba sa ating nakaraan?
Ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan
Saranggola'y lilipad sa kahel na kalangitan
Pangarap na lang ba ang ating walang hanggan?
Sa'n man tayo hipan ng amihan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan

Saranggola (Lilipad, lilipad na)
Saranggola (Lilipad, lilipad na)
Kahel na ang kulay ng kalangitan
Saranggola (Lilipad, lilipad na)


Paroles2Chansons dispose d’un accord de licence de paroles de chansons avec la Société des Editeurs et Auteurs de Musique (SEAM)