Namumula
Maki
paroles Maki Namumula

Maki - Namumula Lyrics & Traduction

Nababaliw na naman ako
Parang sirang nagpupuyat para sa 'yo
'Di ko na nagawa ang project ko
Pero 'yong sa 'yo at sa kapatid mo, ginagawa ko

Kupido, seryosohin mo nga ako
Bakit lagi na lang sa tao na hindi handa
O 'di naman may mahal nang iba?

Namumula
Sabi ng utak, "Tama na"
Ayaw paawat ng aking na-na-nadarama
Kahit na-na-na
Namumula
Sabi ng puso, "Kaya pa"
Hindi tumitigil kahit pula
Ikaw pa rin, sinta

Umiiyak na naman ako
(He-he-he, natatawa na 'ko, gusto mo, Nhiko, ikaw?)
Pero sabi mo
(Friends nga lang kami, ba't ba ayaw mong maniwala?)
Siyempre, maniniwala ako sa 'yo
(Ikaw na 'yan, eh, hay)

Kupido, seryosohin mo nga ako
Bakit lagi na lang sa tao na hindi handa
O 'di naman may mahal nang iba?

Namumula
Sabi ng utak, "Tama na"
Ayaw paawat ng aking na-na-nadarama
Kahit na-na-na
Namumula
Sabi ng puso, "Kaya pa"
Hindi tumitigil kahit pula
Ikaw pa rin, sinta, oh

Ikaw lang ang gusto (Ikaw lang ang gusto)
Kahit 'di ako ang gusto mo (Kahit 'di ako'ng gusto mo)
Eto na, 'di na nga aasa
'Di na mamumula sa maling tao
(Hello, sa'n ka?)
Shit (Ah)

Sabi ng utak, "Tama na" (Tama na)
Ayaw paawat ng aking na-na-nadarama
Kahit na-na-na (Na-na-na-na)
Namumula
Sabi ng puso, "Kaya pa" (Ipipikit na lang aking mata)
Hindi tumitigil kahit pula (Tatakpan ko na lang aking tenga)
Ikaw pa rin, sinta

He-he, wow!


Paroles2Chansons dispose d’un accord de licence de paroles de chansons avec la Société des Editeurs et Auteurs de Musique (SEAM)